Isinampa na ang murder complaint laban kay sa suspek sa pagkamatay ng isang mamamahayag na si Orlando “Dondon” Dinoy sa Davao Del Sur.
Ayon kay Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) Executive Director Joel Sy Egco, kinilala ng mga nakasaksi ang suspek na si Brandie Mercado Companer Alyas “Bos-Bos” bilang namaril at pumatay kay Dinoy.
Inihain ang reklamo sa Provincial Prosecutor’s Office sa Davao Del Sur sa ilalim ng NPS Docket Number xi-04-inv-21k-00299.
Dagdag pa ni Egco, tatlo ang posibleng motibo sa pagpatay sa mamamahayag at isa na rito ay personal na sama ng loob.
Ang pagpatay kay Dinoy ay nangyari isang araw matapos mapabilang ang Pilipinas sa “worst countries” pagdating sa Unsolved Killings of Journalists, ayon sa Committee to Protect Journalists (CPJ) Global Impunity Index 2021. —sa panulat ni Joana Luna