Nakatakas ang isang preso na may kasong murder mula sa isang sub-provincial jail sa Samar.
Kinilala ang nakatakas na preso na si Julito Dacles.
Ayon sa Police Regional Office 8, lumapit umano si dacles sa mga bantay na pulis dahil nahihirapan umano itong huminga, nang dinala ang preso sa lobby at iwanan saglit ng mga pulis ay bigla na itong nawala.
Inanunsiyo naman ang mga otoridad na marapat na kaagad ipagbigay alam sa kanila kung may makatukoy kung nasaan ang bilanggo upang agad nilang maaksiyunan, nagbabala rin ang mga ito na armado si Dacles. —sa panulat ni Mara Valle