Patay ang isang lalaki matapos manlaban sa mga otoridad sa isang operasyon ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) sa Barangay Naugsol, Subic, Zambales.
Ayon kay Col. Villaflor Banawagan, commander ng AKG Luzon Field Unit, maghahain lang sana sila ng arrest warrant laban sa suspek na si Edison Villaran dahil sa kasong murder nang paputukan nito ang mga operatiba.
Dahil dito, gumanti ng putok ang mga pulis kay Villaran na ikinamatay nito.
Sinabi ni Banawagan na siV ang nasa likod ng pagpugot ng ulo ng isang lalaki sa Cardona, Rizal noong Agosto nang taong 2019.
Si Villaran aniya ay miyembro ng grupo na pinamumunuan ng dating pulis na si Patrolman Maray na sangkot sa robbery at kidnap for ransom groups na naka-engkuwentro na rin ng mga pulis sa Rizal nitong Hulyo.
Nakuha sa crime scne ang isang kalibre .45 baril.