Mahigpit na ang laban nina Andy Murray at Novak Djokovic sa world number one ranking matapos na kapwa sila pasok sa third round ng Paris Masters.
Natalo kasi ni Murray si Lucas Pouille sa score 6-3 at 6-0.
Habang tinalo naman ni Serbian tennis star Djokovic si Grigor Dimitrov ng Bulgaria 4-6, 6-2, 6-3.
Malulusutan ni Murray si 12-time grand slam champion kapag hindi nakaabot si Djokovic sa final at makuha ang titulo.
Nakatakdang makaharap ni Djokovic si Canadian Fourth Seed Milos Raonic habang si Murray ay makakaharap si Tomas Berdych ng Czech Republic.
By Mariboy Ysibido