Agaw pansin ang libingan ng bigtime drug lord ng Visayas na si Jeffrey Jaguar Diaz sa sementeryo ng Calamba sa lalawigan ng Laguna.
Magarbo ang pagkakadesenyo ng museleo ni Diaz na napapalamutian ng kulay asul at ginto na may mosaic na mga bintana.
4 na babae ang bumisita umano sa gate ng naka-kandadong museleo at nag-iwan ng mga bulaklak duon.
Magugunitang napatay sa isang shootout ang tinaguriang robin hood sa Las Piñas City makaraang manlaban umano ito sa mga aarestong awtoridad.
By: Jaymark Dagala