Binuksan na sa publiko ang museo ni Filipino Chess Legend Eugene Torre.
Ang Eugene Torre Chess Museum ay makikita sa lungsod ng Marikina kung saan, tampok ang mga memorabilia ng kampeonato gaya ng mga tropeo, medalya, larawan at iba pa.
Ayon kay Chess Legend Torre, libre ito para sa publiko na may layuning magbigay inspirasyon sa mga batang manlalaro rin ng chess na nais sumunod sa kaniyang yapak.
Nabatid na si Torre ang kauna-unahang grandmaster sa buong asya noong 1974 at World Chess Hall of Famer nito lamang 2021.