Nagbabala sa mga Kandidato at Partido ang Music Organization laban sa paggamit ng copyrighted songs para sa pangangampaniya sa 2022 National and Local Elections.
Nagpaalala ang Filipino Society of Composers, Authors, and Publishers (FILSCAP) na ang pagpapatugtog sa pampublikong lugar ng mga copyrighted song, live man o recorded sa panahon ng campaign rally o sorties ay nangangailangan ng lisensya mula sa may-ari ng nasabing kanta.
Base sa Section 177.6 ng Intellectual Property Code of the Philippines kabilang sa hindi pinapayagan ang pagpapatugtog ng background music bago o sa mismong panahon ng kampanya ay itinuturing na ‘Public performance’ sa ilalim ng Sec. 171.6 ng IP Code.
Ang FILSCAP ay kasalukuyang nag-iisang organization na accredited ng Intellectual Property Office of the Philippines at isang Collecting Society sa Pilipinas na nagsasagawa ng Collective Rights Management o pamamahala sa mga karapatan ng pampublikong pagtatanghal at paggamit ng mga kanta sa Television, Radio broadcast at Films. —sa panulat ni Angelica Doctolero