Nakatakdang ilunsad ng Philippine National Police o PNP ang isang music video para sa kanilang kampanya laban sa ipinagbabawal na paputok.
Ayon kay Chief Supt. Gilbert Cruz, director ng PNP police community relations group, ang music video na ito na pinamagatang “Dobleng Sabog sa Bagong Taon” ay makikita sa social media accounts ng pambansang pulisya na naglalayong mas maipaintindi lalo na sa mga bata at murang edad ang pinsala na maaaring idulot ng illegal firecrackers.
Tampok sa nasabing music video ang mga puppet na kinabibilangan nina Tatay Digong, Tsip Bato, PO1 Matikas, Boy Watusi, Boy Sabog, at Boy Putok.
Paliwanag ni Cruz, gumamit sila ng mga puppet upang mas maintindihan ng mga bata na siyang dumadampot ng mga paputok na hindi sumabog o kaya ay mga naglalaro ng mga watusi, ang panganib ng paputok.
By: Meann Tanbio