Dismayado ang Muslim media officer ng Indonesia men’s football team makaraang maka kain ito ng karne ng baboy.
Ayon kay Gatot Widardo, hindi kasi maayos na naihihiwalay ang halal sa non halal food.
Halos tatlong araw na anya sila sa Pilipinas pero walang improvement ang serbisyong kanilang natatanggap lalo na sa pagkain.
Sinabi ni Widardo na nakakadagdag pa sa stress ng kanilang mga atleta ang pag alam kung alin sa mga naka hain ang puwede at hindi nila pwedeng kainin.
Sa mga bansang kasapi sa SEA Games, itinuturing na Islamic ang Indonesia, Malaysia at Brunei.