Nakatanggap di umano ng mga pagbabanta ang ilang Muslim scholars na lumagda sa fatwa o manifesto na kumukundena sa Maute Group.
Nakasaad di umano sa sulat ng pagbabanta na ituturing na munafiq o ipokrito ang sinumang Muslim scholar na lalagda sa fatwa.
Gayunman, ayon kay Ulama Abdulhamid Umpa Amirpitor, lumagda pa rin ang lahat ng 50 Muslim scholars sa kabila ng natanggap nilang pagbabanta.
Sa katunayan, nag-ikot pa ang Muslim scholars upang ipaliwanag sa mamamayan ang nilalaman ng fatwa kung saan inilagay nila sa kategorya ng Daulah Islamiyah o Islamic State na isang international terrorist group ang Maute.
Maliban sa 50 ulamas, lumagda rin sa fatwa na nagdedeklara sa Maute bilang kaaway ng mga Maranao ang Maute Group.
By Len Aguirre