Hindi na nakagugulat pa ang pagkakaroon ng ‘mutations of concerns’ ng virus sa Cebu.
Ayon sa infectious disease expert, ito’y ‘natural phenomena’ lalo na kung patuloy ang pagkalat ng virus, gaya ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Edsel Salvana, direktor ng Institute of Molecular Biology and Biotechnology ng UP National Institute of Health, ang mutations ng N510Y at E484K na nakapagdudulot ng COVID-19 ay kailangan pang pag-aralan.
Mababatid na 37 sa 50 samples na si-nequenced ng Philippines Genome Center (PGC) ang nakitaan ng mutations ng naturang virus.