Maaari lamang paganahin ang mutual defense treaty (MDT) kapag mayroong banta o may posibilidad na may aatakeng dayuhang bansa.
Reaksyon ito ni Atty. DJ Jimenez ng UST Graduate School of Law sa panawagan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika na iparada na sa harap ng China ang kanilang 7TH Fleet.
Ayon kay Jimenez, seryoso man o nagbibiro ang pangulo, isang magandang pagkakataon ito upang pag-usapan kung paano magagamit ang MDT sa hinaharap.
Kabilang anya sa opsyon na pwedeng gawin ng pamahalaan ang pagbuhay o pagpapa-igting sa Balikatan exercises ng Amerika at Pilipinas bilang pagpapakita ng puwersa at pagtutulungan ng dalawang bansa.
Maaring kunin nalang natin ‘yung positibo do’n, maging biro man o hindi sana pag-usapan din at ng secretary ng Estados Unidos,” ani Atty. Jimenez.
Ratsada Balita Interview