Balak ng local beauty pageant Mutya ng Pilipinas na buksan ang kanilang kumpetisyon para sa mga transgender.
Ayon kay Cory Quirino, namumuno ng nasabing pageant, na mula pa 2011 ay plano na niya itong gawing inclusive para sa lahat ng kababaihan.
Wala namang nabanggit na petsa si Cory kung kailan ipatutupad ang naturang pagbabago.
Ngunit aniya, isa lamang ito sa mga pagbabago na kanilang ipatutupad.
Kabilang sa mga pagbabagong ipatutupad ng 50-year old pageant ay ang pagtanggal ng height limit at pagpayag sa mga nasa 28 years old na sumali sa kumpetisyon. —sa panulat ni Hannah Oledan