Mahigpit na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang M/V Athens Bridge na isang cargo ship galing India.
Ayon sa PCG, ang naturang cargo ship ay nakaangkla ng may sampung kilometro layo sa Cavite City.
Ipinagbabawal naman ng PCG ang paglapit ng ibang mga barko sa naturang cargo ship bilang pag-iingat kontra COVID-19.
Mababatid kasi na 12 sa 21 mga tripulanteng Pilipino ng naturang cargo ship ay nagpositibo sa COVID-19 bagamat hindi pa tukoy kung taglay ng mga ito ang nakahahawang Indian variant.
Kasunod nito, ang apat sa mga tripulanteng may sakit ay dinala sa ospital at kasalukuyan nang bumubuti ang kondisyon.
Habang ang siyam namang iba pa ay nananatili pang naka-quarantine sa cargo ship at maaari lang bumaba sa biyernes bago muling mag-quarantine sa isang hotel sa loob ng 10 araw.