Nagbanggaan ang isang cargo vessel at foreign utility boat sa South harbor anchorage area kaninang madaling araw.
Dahil dito, nakalubog sa dagat ang kalahating bahagi ng MV Palawan Pearl na may bitbit na 3,000 litro ng diesel sa oil storage tank nito.
Kaagad namang sumaklolo ang Philippine Coastguard sa banggaan ng MV Palawan pearl at bkm 104 na isang foreign utility vessel na kinontratang magsagawa ng dredging at iba pang land development activity na kinakailangan sa pagpapatayo ng new manila airport.
Matapos ma obserbahan ang pagkalat ng oil sheen sa paligid ng MV Palawan pearl naglatag na ng apat na segment ng oil spill boom ang coastguard marine environmental protection command sa paligid ng barko.
Walang nasaktan sa mga tripulante ng dalawang sasakyang pandagat na inabisuhang maghain ng marine protest hinggil sa insidente.