Lalarga na ang 3-day invitational MVP Cup tournament mamaya bilang bahagi ng preparasyon ng Gilas Pilipinas para sa 2015 FIBA Asia Championship.
Unang sasabak sa laban ang Chinese Taipei kontra Wellington Saints ng New Zealand, sa Araneta Coliseum, sa Quezon City, alas-5:00 ng hapon habang susunod na magbabakbakan ang Gilas at talk ‘n Text Tropang Texters, alas-7:00 ng gabi.
Ayon kay Gilas Coach Tab Baldwin, nakatutok sila sa magiging performance ng 12 starting player ng Philippine team partikular ang chemistry o teamwork ng bawat isa.
Matapos ang MVP Cup, sasabak muli ang Gilas sa training sa isang secluded camp sa Cebu.
Magsisimula naman ang 2015 Asia Championship sa September 23 hanggang October 3, sa Changsha, China.
By Drew Nacino