Inamin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na hindi nila kayang magbigay ng malinis na tubig kung walang tulong mula sa Maynilad at Manila Water.
Ayon kay MWSS Deputy Administrator for Engineering, Engr. Leonor Cleofas, hindi pa aabot sa 100 ang kanilang tauhan kaya’t kulang sila sa tauhan.
Hindi rin aniya kakayanin ng resources ng MWSS na suplayan ng tubig ang milyon-milyong customer ng dalawang water concessionaire.
Ngunit sinabi ni Cleofas na sinisikap naman ngayon na agad matapos ang Kaliwa Dam project na maaaring maging alternatibong mapagkukunan ng tubig sa Metro Manila.