Kinukwestiyon ngayon ni Bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera-Dy ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at iba pang water concessionaires sa hindi pagpapatupad ng irrigation water replacement program na kabilang sa binabayarang water bill ng mga konsyumer.
Ayon kay Herrera-Dy, nasa P7.5 billion na ang nakolekta mula sa naturang programa para makapagpatayo ng pasilidad sa pagkuha ng tubig sa Pampanga river para rito.
Nakapagtataka aniya kung saan napupunta ang bahaging ito na sinisingil sa mga konsyumer para sa nabanggit na programa na sinimulang kolektahin noon pang taong 2002.
Kung naipatupad lamang aniya ito ay marami ang makikinabang rito partikular na ang mga magsasaka na apektado ng matinding tag-tuyot.