Humingi na ng tulong sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang pamunuan ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) para mapabilis ang permits ng mga water treatment plants.
Ayon kay MWSS Administrator Emmanuel Salamat, hiniling na nila sa DILG na kunin ang atensyon ng mga local governments para sa agarang pag-aapruba ng mga kaukulang permits.
Aniya, ito ay para matapos sa itinakdang oras ang mga water projects na tutulong para matapos na ang krisis sa tubig sa Metro Manila.
Magugunitang noong mayo ay bumuo na ang ahensya ng water security roadmap para masiguro ang suplay ng tubig sa susunod na limang taon.