Labis nang nababahala ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa unti-unting pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam, Bulacan.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, maaaring maka-apekto sa supply ng tubig sa tag-init ang kasalukuyang sitwasyon ng Angat Dam.
Patuloy anya nilang mino-monitor ang sitwasyon at nagkakasa ng contingency.
Hanggang nitong kahapon, nasa 196.09 meters ang lebel ng tubig sa nabanggit na water reservoir, o 15.91 meters na mababa sa normal high water level na 212 meters.
Ang Angat Dam ang nagsu-supply ng 96 percent ng tubig sa Metro Manila.