Nabigyan ng paunang abiso ang mga kinauukulang Local Government Units (LGU’s) bago pa magpakawala ng tubig sa Angat at Ipo dam sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses.
Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), mahigpit nilang sinusunod ang protocols kaugnay sa pangangasiwa ng Angat at Ipo dam gayundin sa pagpapalabas ng tubig nito.
Anila, mababa ang lebel ng tubig sa nabanggit na dalawang dam, isang buwan bago tumama ang bagyong Ulysses.
Dahil dito, kayang tanggapin ng mga ito ang inaasahang 112 hanggang 200 millimeters ng tubig ulan.
Balanse rin ang anila ang pumapasok at ipinakakawalang tubig sa mga dams para hindi maapektuhan ang mga mababang lugar.
Dagdag ng MWSS, mayroon na silang ginagawang medium at long term solutions para matugunan ang problema sa pagbaha tulad ng pagpapalago sa mga watershed.