Nagbabala ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System(MWSS) na posibleng mauwi sa matinding krisis sa tubig sa Metro Manila kapag hindi natuloy ang pagtatayo ng Kaliwa dam.
Ito’y sa gitna ng pagkontra ng maraming grupo at indibidwal sa nasabing proyekto na itatayo sa Infanta Quezon at Rizal.
Ayon kay MWSS administrator Emmanuel Salamat, ngayon pa lang ay naranasan na ang krisis sa tubig sa maraming lugar sa kalakhang Maynila kaya’t mas titindi aniya ito kung walang gagawing solusyon sa mga susunod na panahon.
Ngunit iginiit ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na maraming solusyon ang pwedeng gawin gaya ng pagre-rehabilitate ng Wawa dam kung saan maaaring maraming maserbisyuhang kabahayan.