Nanawagan ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng ordinansa bilang handa sakaling magkaroon ng krisis sa tubig.
Sa panayam ng DWIZ, nilinaw ni MWSS Deputy Administrator Jose Dorado, ang suwestiyon ng kanilang ahensya na hindi kasama sa kanilang ipinagbabawal ang mga inflatble pool kundi yung mga aktibidad na permanenteng gumagamitan ng tubig gaya ng car washing at golf courses.
Iginiit ng opisyal na dapat malaman ng publiko ang tamang pagtitipid ng tubig upang maiwasan ang kakulangan sa water supply.
Nilinaw din ni Administrator Dorado, na mayroon silang inilatag na guidelines sa tamang pagkonsumo ng tubig.