Nanawagan sa National Water Resources Board ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Corporate Office, na panatilihin at huwag nang bawasan ang alokasyon ng tubig sa Angat dam na nagsusuplay ng tubig sa buong Metro Manila.
Ayon kay MWSS Division Manager Engineer Patrick Dizon, hindi na dapat baguhin hanggang sa Hunyo ang inilaang alokasyon ng tubig upang walang lugar sa Metro Manila ang makaranas ng mahabang pagkaantala sa suplay ng tubig.
Sinabi ni Engr. Dizon, na tumataas ang demand sa tubig ng mga konsyumer ng Manila Water at Maynilad kung saan, dapat ding maging responsable sa paggamit ng tubig ang publiko lalo’t pinangangambahan ang pagtama ng El Niño phenomenon ng bansa.
Nilinaw naman ni DM Dizon, na nakatakdang magsagawa ng pagpupulong ngayong araw, ang mga tauhan NWRB, upang pag-aralan kung ibababa o itataas ang kasalukuyang 52 cubic meters per second na alokasyon ng tubig.