Pumasok na ang MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa di umano’y agawan ng tubig ng Manila Water Corporation at Maynilad services sa suplay ng tubig.
Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, pinagharap na aniya niya ang mga kinatawan ng dalawang water concessionaires.
Kung tutuusin aniya ay panloob na problema na ito ng Manila Water at Maynilad subalit kinailangan na nilang pumasok dahil apektado ang serbisyo ng tubig.
Ever since, nagbibigayan ‘yan. During the peak hours of Maynilad, nagbibigay ang Manila Water vice versa. For a while, it was Manila Water that was monitoring. Problema rin ng Maynilad ‘yan kasi hindi sila naglagay ng representative to monitor. We are studying to amend that provision para mismong may mag-ooversight diyan. Pahayag ni Velasco
Pangambang maapektuhan ang suplay ng tubig dahil sa gusot sa dalawang water concessionaires, pinawi
Pinawi ng MWSS o Metropolitan Water and Sewerage System ang pangambang maapektuhan ang suplay ng tubig dahil sa away ng dalawang water concessionaires.
Nagbigay aniya ng katiyahan ang Angat dam na sapat ang suplay ng tubig ngayong panahon ng tag-init.
Wala namang problema. Hindi kulang ang tubig. We saw the flow of water from Ipo and Angat dam. In fact, we anticipated as early as February ‘yung pangangailangang ng tubig sa summer, so binigyan pa kami ng additional 90 million liters per day. Paliwanag ni Velasco