Pinag-aaralan na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang hirit ng Manila Water na itaas sa P19.25 ang water rate hike kada cubic meter sa susunod na limang taon.
Sinabi ng pamunuan ng Manila Water na ang hakbang ay kailangan para madagdagan ang pondo nito para sa kanilang mga operasyon.
Base sa request, magsisimula ang water rate hike sa susunod na taon sa P8.04 kada cubic meter, 5 pesos sa 2024, P3.25 sa 2025, P1.91 sa 2026 at P1.05 sa 2027.
Samantala, sinabi ni MWSS chief regulator Patrick Ty na tatalakayin ng kanilang board of trustees ang naturang kahilingan.