Posibleng napilitan na lamang ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na pagmultahin ang Manila Water dahil sa palpak na serbisyo sa tubig.
Ayon kay Atty. Vic Dimagiba ng Laban Konsyumer, na-pressure ang MWSS na gawin ang kanilang trabaho dahil sa inabot nilang kritisismo at sa banta ng Pangulong Rodrigo Duterte na tatanggalin sila sa trabaho.
Sinabi ni Dimagiba na malinaw sa mga naunang pahayag ng MWSS na wala silang kapangyarihang patawan ng multa ang Manila Water.
Ngayon anyang nagawa na ng MWSS ang kanilang trabaho… ang dapat bantayan ng taong-bayan ay kung ipapasok ito ng Manila Water sa kanilang income statement o hindi upang mabawi rin ito sa mga consumers sa hinaharap.
In relation do’n sa total na asset at kita ng Manila Water, hindi ‘yun lalampas ng 2%, e. So, maliit ‘yon, they can easily absorbed. Alam mo kasi sa accounting, marami kang paraan, e. Para ‘yang 1B na ‘yan o ‘yang P1.5B na ‘yan, e, somewhere marerecover mo. So, baka naman pagdating ng next rate rebasing period bawiin nila.” ani Dimagiba.
Umalma naman ang MWSS sa paratang na na-pressure lamang sila kaya’t pinagmulta nila ng mahigit P1B ang Manila Water.
Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, ipinatupad lamang nila ang proseso na naaayon sa kanilang concession agreement sa Manila Water.
Actually dinagdagan pa ‘yan ng board ng P600M. So, hindi naman ‘yan sa natatakot, it’s according to the procedure, kasi hindi naman pu-pwedeng magpatong ka ng hindi in accordance with the concession agreement. So, ‘yung patong na ‘yan is according to concession agreement.” giit ni Velasco.
Ratsada Balita Interview
Balasahan sa MWSS, iginiit
Iginiit ng Laban Konsyumer ang balasahan sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Ayon kay Laban Konsyumer President Vic Dimagiba, hindi natatapos sa pagpapamulta ng MWSS sa Manila Water ang isyu sa kapalpakan ng serbisyo sa tubig.
Marami pa anyang dapat ayusin sa loob ng MWSS lalo na sa kanilang regulatory office.
Ang dami po naming naging problema no’n last year lalo na do’n sa rate fixing. (…) kahit na may consultation at the end e kung ano ‘yung sinabi ng consultant nila, ‘yun ‘yung kanilang inapprove. E, ‘yung sa board naman ang pangulo na ang magdedesisyon do’n kasi presidential appointees lahat ‘yon. ‘Di ba lumabas sa senado ‘yung isyu na kailangan may civil engineer? E, at the moment walang civil engineer do’n.” giit ni Dimagiba.
Ratsada Balita Interview