Tiniyak ng Metropolitan Water Works and Sewerage System o MWSS na dumaan sa tamang proseso ang ipatutupad na taas singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water sa Hulyo.
Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, hindi magiging mabigat sa mga consumer ang dagdag singil na ipapataw ng mga water concessionaire.
Paliwanag pa ni Velasco, ang water rate increase ay dahil sa Foreign Currency Differential Adjustment o FCDA na bunsod ng paghina ng piso kontra dolyar.
Batay sa abiso ng MWSS asahan ang P5.21 ang dagdag singil sa kada 10 cubic meters ng tubig para sa mga sineserbisyuhan ng Manila Water.
P11.55 naman para naman sa mga komukonsumo ng 20 cubic meters at P23.59 naman sa mga gumagamit ng 30 cubic meters.
Sa mga customer ng Maynilad, asahan ang dadag singil na 23 pesos para sa mga kumukonsumo ng 10 cubic meters habang 80 centavos naman sa mga gumagamit ng 20 cubic meters.