Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila ngayong tag-init.
Ayon sa Deputy Administrator at MWSS Corporate Office Spokesman Patrick Dizon, nasa mahigit 200 metro pa ang antas ng tubig sa Angat dam, na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.
Dagdag pa ni Spokesman Dizon, sapat ito upang ma-supply-an ng tubig ang mga kabahayan sa metro manila at mga karatig-lalawigan nito, kung saan ito rin ang nagsusuplay ng tubig sa malalaking sakahan sa Central Luzon.
Mas mataas din aniya ito kumpara sa halos 200 metro noong pagpasok ng tag-init noong 2024.
Binigyang-diin ng MWSS Official na sa ngayon ay wala silang nakikitang pagbabawas ng alokasyon ng tubig. —sa panulat ni John Riz Calata