Walang kakulangan ng tubig sa summer season.
Ito ang tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage system sa mga lokal na pamahalaan ng bansa.
Ayon kay M.W.S.S Division Manager Patrick Dizon , inatasan na nila ang ibang ahensya na magpatupad ng mitigating measures noong nakaraang taon.
Magugunitang hiniling ng M.W.S.S sa National Water Resources Board na taasan ang water elevation ng Angat Dam mula sa 212 hanggang sa 214 meters.
Dagdag ng M.W.S.S official, na ang karagdagang dalawang metro ay titiyak ng sapat na suplay ng tubig sa panahon ng tag-init.
Una nang inatasan ng Department of the Interior and Local Government ang mga LGU na hikayatin ang kanilang constituents na magtipid ng tubig.