HIV at AIDS
Ang human immunodeficiency virus o mas kilala sa tawag na HIV ay isang klase ng virus na kumakalat sa dugo at umaatake at nagpapahina sa immune system ng isang tao.
Kapag tumagal at lumala ay kayang-kayang sirain ng HIV ang maraming cells sa katawan kung saan nahihirapan na itong protektahan ang sarili laban sa iba’t ibang mga sakit at impeksyon.
Partikular na inaatake ng virus ang CD4 cells o tinatawag din na T cells na bahagi ng ating immune system.
Walang cure o epektibong gamot laban sa HIV infection pero kung magkakaroon ng tamang medical care ay puwedeng ma-kontrol ang virus.
Ang antiretroviral therapy or ART ang ginagamit na treatment sa HIV.
Sa tamang pamamaraan at kung sasailaim sa ART araw-araw, ay napapahaba nito ang buhay ng mga pasyenteng may HIV, pinapanatili silang malusog at mas napapababa ang posibilidad na maikalat pa ang sakit.
Kung hindi naman maaagapan at magagamot, ang HIV virus ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng acquired immunodeficiency syndrome o ang tinatawag na AIDS.
Ang AIDS ay ang ‘most severe phase’ ng HIV infection.
Ang mga taong may AIDS ay bantad na sa iba’t ibang sakit o tinatawag na opportunistic infections katulad ng cancer dahil na rin sa napakahina nang immune system.
May tatlong stages ang HIV infection. Ito ay ang:
• acute HIV infection
• clinical latency
• AIDS (acquired immunodeficiency syndrome)
Sa acute HIV infection, posibleng magkaroon ng ‘flu-like symptoms’ o sintomas ng trangkaso ang isang pasyente sa loob ng 2-4 weeks matapos mahawa ng sakit kabilang na ang lagnat, sore throat, rashes, pananakit ng muscles at joints, at sakit ng ulo.
Sa clinical latency ito ang panahon kung saan ang virus ay nagde-develop o kumakalat sa katawan ng isang pasyente nang hindi nagpapakita ng anumang sintomas.
At ang pinakahuling stage ay ang AIDS na kung walang treatment o gamutan ay posibleng abutin na lang ng hanggang tatlong taon ang buhay ng pasyente.
MGA BAGONG KASO SA PILIPINAS
Lalo pang lumala ang kaso ng HIV sa Pilipinas.
Mula sa isang kaso kada araw noong 2008 ay lumobo na ito sa 31 kaso na naitatala araw-araw sa taong 2017.
Ayon sa Department of Health o DOH mula Hulyo hanggang Agosto lamang ngayong taon umabot sa 1,962 na mga bagong kaso ng HIV ang naitala.
Walumpu’t pitong (87) porsyento sa mga ito ay walang sintomas o asymptomatic nang maiulat.
Siyamnapu’t limang (95) porsyento ng tinamaan ng sakit ay mga lalaki.
Mahigit sa kalahati sa mga kasong ito ay nasa 25-34 taong gulang habang 31% dito ay mga kabataan na nasa edad 15-24 taong gulang.
Nangunguna ang National Capital Region o NCR ang may 732 cases, Region 4-A na may 344 cases, Region 3, 179 cases, Region 7 na may 144 cases, Region 6, 121 na mga kaso at Region 11 na may 116 cases.
Karagdagang 326 na mga kaso naman ang nanggaling sa natitira pang bahagi ng bansa.
Aabot sa 1,892 na mga kaso ng HIV ay nakuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik, 35 kaso nang dahil sa needle sharing partikular sa mga injecting drug users o IDU at pitong kaso naman sa pamamagitan ng mother-to-child transmission.
Walumpu’t walong porsyento ng HIV infections ay nai-transmit sa pamamagitan ng pakikipagtalik ng mga lalaki sa kapwa lalaki o MSM, habang 28 kaso naman ang walang ibinigay na data kung paanong nakuha ang sakit.
Samantala, kabuuang 18 buntis naman ang na-diagnose na may sakit na HIV sa kaparehong panahon (July-August 2017).
Statistics of newly diagnosed HIV cases in PH
People who engage in ‘transactional’ sex
Percentage of HIV cases per region
Statistics on HIV/AIDS deaths
WORLD AIDS DAY
Ang World AIDS Day ay ginaganap tuwing Disyembre 1 kada taon.
Nagsimula ito noong 1988 na kauna-unahang ‘health day’ sa buong mundo.
Ito ay isang magandang oportunidad para magkaisa sa laban kontra HIV, magpakita ng suporta sa mga biktima ng sakit at alalahanin ang mga taong pumanaw dahil sa mga AIDS-related illness.
Isa rin sa importansya ng World AIDS Day ay ipaalala sa publiko at sa gobyerno sa buong mundo na ang problema sa HIV ay hindi nawawala at nananatili pa ring banta sa buhay ng tao.
Isinasabuhay din sa araw na ito ang malaking pangangailangan na makapag-ipon ng pondo para matulungan ang mga HIV patient, mapataas ang kaalaman ukol sa sakit, malabanan ang mga maling panghuhusga, at mapaganda ang edukasyon para maiwasan ang HIV-AIDS.
Bilang pakikiisa sa World AIDS Day, karamihan sa mga tao sa buong mundo at nagsusuot ng HIV awareness red ribbon ngayong araw.
May temang “My Health, My Right” ngayong taon, binigyang diin ng United Nations ang karapatan ng bawat isa para sa isang ‘quality health care’ at dapat maging bukas ito para sa lahat, ano man ang estado sa buhay.
Ang #MyRightToHealth campaign ay ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko kaugnay sa karapatan sa kalusugan at kung ano ang kahalagahan nito sa buhay ng isang tao.
Ayon sa UNAIDS, sa ngayon ay gumaganda at nagkakaroon ng progreso ang HIV treatment sa buong mundo, kung saan dumarami na ang nagkakaroon ng access para makapagpagamot.
GLOBAL HIV STATISTICS
• 19.5 million people were accessing antiretroviral therapy in 2016.
• 36.7 million [30.8 million–42.9 million] people globally were living with HIV in 2016.
• 1.8 million [1.6 million–2.1 million] people became newly infected with HIV in 2016.
• 1 million [830 000–1.2 million] people died from AIDS-related illnesses in 2016.
• 76.1 million [65.2 million–88.0 million] people have become infected with HIV since the start of the epidemic.
• 35.0 million [28.9 million–41.5 million] people have died from AIDS-related illnesses since the start of the epidemic.
• In 2016, there were 36.7 million [30.8 million–42.9 million] people living with HIV.
Sources: www.hiv.gov / www.doh.gov.ph / http://www.un.org
—-