Nagkasundo na ang Myanmar at Bangladesh na pabalikin ang libu-libong mga Rohingya refugees sa pamamagitan ng isang memorandum of understanding.
Ayon sa Myanmar’s Ministry of Labor, Immigration and Population, nakahanda na silang muling tanggapin ang mga nagsilikas na Rohingyan oras na matanggap na nila ang mga official registration forms galing sa Bangladesh.
Sa ilalim ng nilagdaang kasunduan kailangang magpakita ang mga Rohingan ng residency documents bago ito makabalik ng Myanmar.
Sinabi naman ni Bangladesh Prime Minister Sheikh Hasina na magpapatuloy pa rin ang bilateral talks sa pagitan nila at ng Myanmar para mapalantsa ang pagbabalik ng mga Rohingyan.
Tinatayang mahigit sa 620,000 mga Rohingya ang tumawid na sa Bangladesh border simula noong Agosto dahil sa patuloy na military campaign ng Myanmar.
—-