Dumating na sa Pilipinas sina Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi at Cambodian Prime Minister Hun Sen ngayong hapon.
Ito ay para sa nakatakdang pagdalo ng dalawang lider sa 31st Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit na gaganapin mula Nobyembre 13 hanggang 15.
Bandang ala-1:30 ng hapon nang lumapag sa Clark International Airport sa Pampanga ang eroplanong lulan si Hun Sen, at sinundan naman ng pagdating ng Myanmar State Counsellor.
Mainit na sinalubong ang dalawang lider sa pamamagitan ng isang cultural performance mula sa ilang estudyante.
Dadalo ang dalawa sa inihandang welcome dinner sa pangunguna ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.
Samantala, bukas naman, Linggo inaasahang darating ang nasa 19 pang heads of states na dadalo sa ASEAN Summit kabilang na si US President Donald Trump.
(Ulat at mga Kuha ni Raoul Esperas LIVE mula sa Clark, Pampanga)
IN PHOTOS: Cambodian Prime Minister Hun Sen at Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi sa pagdating sa Pilipinas para dumalo sa #31stASEANSummit | via @raoulesperas pic.twitter.com/VpfwqC7tCD
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 11, 2017
—-