Hindi na dadalo sa pagpupulong ng United Nations Security Council sa New York si Myanmar de Facto Leader Aung San Suu Kyi.
Ito’y ayon sa tagpagsalita ni Suu Kyi ay dahil sa nagbago ang isip nito sa halip ay gagawa na lamang ng national adress sa telebisyon na tumutukoy sa kapayapaan.
Nilinaw din ng kampo ng Myanmar leader na hindi ito natatakot na mabatikos sa harap ng mga ibinabatong kristisimo laban sa kaniya.
Una rito, inakusahan ng UN ang gubyerno ng Myanmar na gumagawa ng ethnic cleansing na nagresulta sa pagtakas ng mahigit 300,000 Rohingya Muslim patungong Bangladesh.
—-