Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Myanmar.
Ayon sa European Mediterranean Seismological Centre (EMSC), natunton ang pagyanig sa layong 112 kilometers North Northwest ng Monywa.
Sa datos ng EMSC, may lalim ang lindol na 144 kilometers o 89.48 miles.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na ibang detalye ang EMSC kaugnay sa lindol.