Isang magnitude 5.8 na lindol ang yumanig sa Eastern Myanmar nitong Huwebes.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), tumama ang lindol sa timog na bahagi ng bayan ng Keng Tung.
May lalim na 10 kilometers o katumbas ng 6.21 miles.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na iba pang detalye ang USGS kaugnay sa naganap na lindol sa lugar.