Bigong masungkit ng Philippine Azkals ang panalo sa laban nito kontra Myanmar sa ikatlong araw ng men’s football ng 30th South East Asian Games (SEA Games).
Nakuha ng Myanmar ang unang puntos nang mapasok ni Aung Kaung Mann sa goal ang bola sa 17th minute.
Bumawi naman ang Pilipinas sa 46th minute nang makapuntos si Dennis Chung para maitabla ang laro sa 1-1.
Ngunit sa 77th minute ay muling naka-puntos ang Myanmar nang mailusot ni Min Naing Tun ang bola sa defender ng Azkals.
Nagtapos ang laban sa score na 2-1.
Susunod na kakalabanin ng Philippine Azkals ang Malaysia sa Biyernes, Nobyembre 29.