Sa unang pagkakataon, inamin ng Myanmar Army na sangkot ang kanilang mga sundalo sa pagpatay sa Rohingya Muslims.
Lumalabas sa imbestigasyon na apat na miyembro ng security forces ang sangkot sa pagpatay sa 10 katao sa Inn Din Village malapit sa Maungdaw.
Matatandaang matagal nang inaakusahan ang Myanmar na nagsasagawa ng ethnic cleansing laban sa Muslim Minority na Rohingya.
Ito ang naging ugat para sa paglikas patungong Bangladesh ng mahigit 600,000 Rohingya magmula nang sumiklab ang karahasan noong Agosto ng nakaraang taon kung saan marami sa kanilang kauri ang biktima ng pagpatay, torture at rape.
—-