Palalayain na sa Hunyo a-3 ang ilang opsiyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na sina Linconn Ong at Mohit Dargani.
Ito ang tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III ilang linggo matapos umapela sina Ong at Dargani dahil sa umano’y hindi makatarungang imbestigasyon sa kanila ni Senator Richard Gordon.
Nakakulong ang dalawa sa Pasay City Jail matapos i-cite in contempt dahil sa kabiguang maglabas ng dokumento ukol sa operayon ng Pharmally sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Noong November 14, 2021, nagtangka pang tumakas ang dalawa sakay ng chartered plane sa Davao City International Airport.