Hindi na umano infectious o nakakahawa ang pagiging coronavirus disease 2019 (COVID-19) positive ni Sen. Sonny Angara sa ikalawang pagkakataon.
Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergerie matapos na muling magpositibo ang resulta ng COVID-19 test ng senador.
Ayon kay Vergerie, posibleng naroon parin ang virus sa katawan ng nakarekober na pasyente ngunit hindi aniya nangangahulugan na ito’y nakakahawa.
Sang-ayon ang DOH official sa sinabi ng doctor ni Sen. Angara, na maaring ang na-detect sa katawan ng mambabatas ay maliit na bahagi na lamang ng natirang virus, at hindi na aniya ito infectious.
Paglilinaw ni Vergeire na hindi inirerekomenda ng mga eksperto para maging panglunas sa COVID-19 ang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test kits dahil ginagamit lamang ito upang i-detect ang virus.