Hindi pa itinuturing na variant of interest o concern ng World Health Organization ang bagong Omicron sub-variant na BA.2.12 na na-detect sa Baguio City.
Sa preliminary data ng Department of Health (DOH), ang mutations ng bagong Omicron sublineages ay mas nakahahawa.
Gayunman, wala pang ebidensyang nagdudulot ng mas maraming sakit o mas malalang epekto ang mga sublineage ng Omicron.
Kahapon kinumpirma ng DOH na isang 52 anyos na babaeng taga-Finland, ang unang kaso ng BA.2.12 sa bansa.
Dumating sa Pilipinas ang babae noong Abril 2 at hindi sumailalim sa isolation sa quarantine facility dahil asymptomatic at fully vaccinated.
Nagtungo ang naturang dayuhan sa isang unibersidad sa Quezon City at Baguio City upang magsagawa ng seminars at siyam na araw matapos dumating ng bansa ay nakaranas ng mild symptoms, tulad ng headache at sore throat.
Nagsagawa naman ng contact tracing matapos mag-positibo ang babae at siyam na asymptomatic close contacts ang natukoy, kabilang ang dalawa ang na-test pero negatibo sa COVID-19.
Abril 21 nang bumalik ng finland ang babae matapos ang pitong araw na isolation.