Hawak na ng bagong panel sa Department of Justice ang kaso nina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co na una nang dimismiss ng naunang panel ng national prosecution service.
Ipinaliwanag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na sasailalim sa review ng bagong panel ang kaso ng mga tinaguriang drug lords.
Hindi aniya ito panibagong preliminary investigation kundi pagbibigay lamang ng pagkakataon sa magkabilang panig na magsumite ng dagdag nilang ebidensya.
Sa kabila nito, muling idinepensa ni Aguirre ang naunang panel sa pagbasura sa kaso nina Espinosa, Lim at Co dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Pinuna ni Aguirre na nabigo ang PNP-CIDG na isumite sa DOJ panel ang transcript ng senate hearing kung saan inamin ni Espinosa ang pagiging drug lord.
Kasabay nito, nilinaw ni Aguirre na si Espinosa ay state witness lamang para sa kaso ni Senador Leila De Lima at hindi sa hiwalay na kasong kinakaharap nito.
Para maging simple ang process, and kasi may naka-pending na motion for reconsideration, inisyu ko po ‘yung D.O o kahapon na sinabi ko, the dismissal of the panel is the vacated and the case is remanded back to the new prosecutors that I have appointed and the parties are free and required to submit all their evidence is support of their position. The motion for reconsideration pending is now deemed moot. Pahayag ni Aguirre sa press briefing sa Palasyo