Posibleng hindi pa nakakatikim ng party drug tulad ng ecstasy ang dalawang inbiduwal na nasawi sa concert sa Pasay City.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PNP Crime Laboratory acting Director Sr. Supt. Emmanuel Aranas na nagkaroon ng malaking epekto ang substance sa puso, baga, utak at kidney ng mga biktimang sina Erick Anthony Miller at Ken Migawa.
Ayon kay Aranas, posible ring nasobrabahan ng paggamit sina Miller at Migawa kaya bumigay ang kanilang katawan.
Bahagi ng pahayag ni Senior Superintendent Emmanuel Aranas
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita