Nakatakdang ipatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa isasagawa nilang pagdinig ang pamunuan ng University of Rizal System of Morong, Rizal.
Kasunod ito ng pagpapataw ng preventive suspension sa Trans Aloha Bus na nahulog sa isang bangin sa bahagi ng Occidental Mindoro noong Sabado ng gabi, kung saan dalawa (2) ang patay habang mahigit dalawampu (20) ang sugatan
Sinabi sa DWIZ ni LTFRB Board Member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada, lumalabas sa kanilang isinagawang imbestigasyon na out of line ang naaksidenteng bus.
Kaugnay nito, muling umapela si Lizada sa Commission on Higher Education o CHED na payagan silang magsagawa ng inspeksyon para tiyaking ligtas ang mga sasakyang bus ng mga magsasagawa ng mga field trip.
Sabi namin, kung may mga field trip sana isama kami sa proseso kasi that’s the way we can inspect the buses. ‘Yung para sa field trips because right now, ‘yung mga Universities… Colleges… school… they have… may mga suki sila sa mga ganyan but you know it’s for inconvenient on their end but on the safety aspect, they are not equipt to check if the buses are… saan ba ang mga papeles, saan ba ang punta? Ganun ang mga itatanong namin.
Paghahanda sa Holiday Season
Inaasahang mailalabas na ng LTFRB sa susunod na linggo ang mga special permit para sa mga bus na bibiyahe ngayong kapaskuhan.
Ayon iyan kay Atty. Aileen Lizada, kasunod ng kanilang puspusang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa kanilang mga lalawigan.
Epektibo aniya ang mga naturang special permit para sa mga bus mula Disyembre 23 ng kasalukuyang taon na tatagal naman hanggang Enero 3 ng susunod na taon.
Ang target ng technical division is iakyat sa amin within the week para we can sign and then before 22 ilalabas na po namin.
There are 1,143 units and the applications 482.
Kahit aminadong may kakulangan sa kanilang mga tauhan, tiniyak ni Lizada na patuloy ang ginagawa nilang pag – iikot sa mga terminal ng bus para tiyaking maayos ang kundisyon ng mga bibiyaheng bus.