Umabot na sa mahigit isang milyong pamilya o katumbas ng nasa apat na milyong indibidwal ang bilang ng mga naapektuhan ng Bagyong Odette.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, naitala ito mula sa 6,000 barangay na nasa 11 rehiyon sa bansa.
Kabilang dito ang Mimaropa, Bicol, Eastern, Central at Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, Caraga at BARMM.
Habang aabot naman sa 561,459 indibidwal ang nawalan ng bahay dahil sa bagyo kung saan 300,000 dito ang tumutuloy ngayon sa may 1,201 evacuation centers.
Nasa 508,785 naman ang kabuuang bilang ng mga napinsalang kabahayan kung saan ay nasa mahigit 300,000 rito ang partially damaged habang nasa higit 100,000 naman ang hindi na talaga mapakikinabangan.
Dahil dito, sumampa na sa 28 milyong piso ang kabuuang halaga ng napinsalang mga kabahayan na winasak ng bagyo.-–mula sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)