Itinuturing ni Senate President Juan Miguel Zubiri na tagumpay ng senado ang pagkakapasa sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund Bill.
Ayon kay Senate President Zubiri, ginawa nila ang lahat para magandang bersyon ng M.I.F. bill ang kanilang maipasa kung saan marami silang inilagay na safeguards para masiguro na hindi maaabuso ang M.I.F. Fund.
Maging ang minority bloc sa senado ay natuwa dahil inilagay nila ang lahat ng kinakailangang safeguards.
Malinaw din anyang nakasaad sa inaprubahan nilang M.I.F. Bill na hindi maaaring i-invest sa Maharlika Fund ang pondo ng SSS, GSIS, PhilHealth, OWWA, Home Development Mutual Fund at PVAO
Tiwala ang senate president na makakatayo ang ipinasa nilang mif bill sakaling may kumuwestyun sa korte suprema sa constitutionality nito.
Gayunpaman, hindi inaalis ni SP Zubiri ang posibilidad na may kumuwestyun sa MIF Bill sa Supreme Court. - mula sa ulat ni Cely – Ortega Bueno (Patrol 19)