Umabot na 79 na drug suspects na ang inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency simula ng ipaubaya sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.
Ayon sa PDEA, 21 sa mga natimbog ay high-value targets habang tinaya sa 3.5 milyong pisong halaga ng shabu at marijuana ang narekober na resulta ng mahigit 200 drug operations.
Gayunman, hindi idinetalye ng ahensya kung may napatay na drug personality sa kanilang mga operasyon.
Katuwang ng P.D.E.A. sa war on drugs ang Philippine National Police na dating lead agency.