Inirekomenda ng Manila Prosecutor’s Office ang pagsasampa ng cybercrime charges laban sa naarestong hacker ng website ng Commission on Elections (COMELEC).
Ito’y matapos makitaan ng probable cause ang reklamong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa IT Graduate na si Paul Biteng.
Sinabi ni Manila Chief Inquest Prosecutor Joven Senados na mahaharap si Biteng sa kasong paglabag sa Anti-Cybercrime Law, kabilang ang illegal access, data interference at illegal use of devices.
Huwebes ng gabi nang isailalim sa inquest proceedings si Biteng at ngayo’y nasa kustodiya ng NBI.
By Meann Tanbio