Nag positibo sa paggamit ng illegal drugs ang naarestong hepe ng Satellite Office ng Philippine National Police o PNP Crime Laboratory sa Alabang Muntinlupa City habang nag pa-pot session.
Pero ayon kay Chief Supt. Aurelio Trampe Jr, hepe ng PNP Crime Laboratory, initial testing pa lamang ang ginawa nila kay Supt. Lito Cabamongan at kailangan pa itong sumalang sa confirmatory test.
Sigurado na anya ang pagsibak sa serbisyo kay Cabamongan sa sandaling mag positibo pa ito sa confirmatory test.
Maliban sa drug test, nais ni Trampe na isalang rin sa neuro psychiatric test si Cabamongan sa harap ng maraming reklamo laban sa kanya.
Tinukoy ni Trampe ang reklamo na nagsasayaw di umano ng hubad si Cabamongan sa harap ng maraming tao, pang ha-harass sa kanyang mga tauhan at dalawang beses na insidente ng panghihingi ng tiket sa sinehan sa isang mall.
By Len Aguirre