Umapela ng tulong mula sa embahada ng Indonesia ang naarestong asawa ni Omar Maute na si Minhati Madrais.
Ayon kay Madrais, pakiramdam niya ay hindi siya ligtas sa kustodiya ng mga pulis dahil mula aniya nang arestuhin siya ay wala pa siyang nakikitang kinatawan mula sa kanilang embahada upang siya ay tulungan.
Matatandaang kahapon naaresto si Midrais kasama ang kanyang anim na anak na pawang mga menor de edad sa kanilang tahanan sa Steele Makers Village sa Barangay Tubod, Iligan City.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office sa lungsod ang anim (6) na anak ni Midrais.
—-